Bago mo punahin ang pagbabago ng Misis mo, tanungin mo rin ang sarili mo kung napabayaan mo na ba sya.
Kaya tips ko sa mga Mister;
1. Huwag nyong isipin na sa lahat ng gawaing bahay, dapat si Misis lang ang kumikilos. Matuto ka ring mag adjust. Hindi nyo kami katulong, asawa nyo kami.
2. Kapag nagpapaganda ang asawa mo, huwag mo agad pag isipan na meron siyang iba. Minsan nagagalit ka kaya instead na mag ayos ang Misis mo, hindi nalang nya itutuloy para iwas pagdududa sayo.
3. Matuto kang purihin ang mga nagagawa ng asawa mo dahil baka sa kagustuhan nyang ma impress ka, nakalimutan nya na ang sarili nya.
4. Kung nahihiya man siyang bumili ng bagong damit o mga pangpaganda at kung hindi naman malaking kabawasan sa budget nyo, ikaw na mismo ang mag offer sa kanya.
5. Huwag mong lalaitin ang pagbabago ng katawan nya. Kung tumaba man sya o kung ano. Dahil kung masakit na mapagsabihan ng ibang tao, lalu ng mas masakit kapag nanggaling sa sarili mong asawa.
6. Suportahan mo sya kung gusto nyang mag gym o mag improve, isa hanggang dalawang oras lang naman yung ibibigay mo sa kanya para kahit papano makapag balik alindog sya.
7. Kamustahin mo ang asawa mo. Hindi lang yan minsan nagsasabi pero napapagod at napupuno rin yan.
8. Kung wala syang sariling income, ikaw na mismo ang magbigay. Nahihiya lang yan magpa salon pero namimiss na rin niya yung magrelax.
9. Huwag puro kabig kay Misis, i date mo rin sya. Nakakagaan kaya sa pakiramdam ng isang babae yung alam mong may oras parin sayo Mister mo.
10. Pinaka importante sa lahat, mahalin mo sya tulad ng pagmamahal mo nung nililigawan mo palang ang asawa mo. Dahil isa sa pinaka effective na pangpaganda ay pagmamahal at pagaalaga ng sariling asawa.
Huwag nyong maliitin ang gawaing bahay at pagbabudget. Dahil di nyo alam mas mahirap pa to sa inaakala nyo. May mga oras na umiiyak nalang ang mga Misis nyo pero pinipili nilang huwag ipakita dahil baka masabihan lang na nagiinarte. Kaya sa huli, malaking factor sa pagiging losyang ng mga misis kung paano sila itrato ng mga asawa nila.
Huwag mong hintayin na magpapaganda lang sya kapag nagkahiwalay na kayo, dahil baka pagsisihan mo.
#DXNmommy#DXNpartner#Distributor
#Ctto